Pagbigay ng Access Privilege sa Pag-gawa ng T-log na walang Individual
Dalawa ang dapat gawin upang ang mga users ay makagawa ng T-log na walang Individual. Ang mga users lamang na may Provider Setup Administrative role ang makakaset ng T-log preferences na Makakagawa ng T-Logs ng walang Individual.
- Mapagana ang option na Makakagawa ng T-Logs na walang Individual
1. I-click ang Preferences link na makikita kahilera ng Provider Option sa Admin tab.

Makikita ang Provider Preference page.

2. Sa T-log section, piliin ang opsiyon na Yes para sa Allow creating a T-Log without an individual?

Maaari rin piliin ng mga users na i-enable ang Time-in at Time-out na opsiyon para sa T-Logs sa pamamagitan ng pagpili sa Yes na opsiyon para sa Enable Time-In and Time-out field.

3. I-scroll down sa pinakababa ng page at i-click ang Save na button.

- Pag-assign ng T-Log Program Access role
1. I-click ang Manage link na kahilera ng User Privileges sa Admin tab.

2. Piliin ang dapat na user mula sa User List page.

I-click ang Login Name ng user. Bubuksan nito ang User Privilege page.
3. Mula sa Agency Wide and Administrative Roles section piliin ang opsiyon na T-Log Program Access.

I-click ang Save button na makikita sa pinakababa ng User Privilege page upang i-save ang mga binago.
Kung nabago na ang mga impormasyon na nais baguhin makikita mo ang mensahe na Your new Privileges are currently in effect sa pinakataas ng Dashboard page.
