Mag-Login sa Therap

1.  I-click ang Login button na nasa kanang bahagi sa itaas ng website ng Therap Global https://www.therapglobal.net/

Paalala: Depende sa kung anong gadget ang iyong ginagamit, ang Login button ay maaaring wala sa kanang bahagi sa itass, maari itong hanapin sa itaas na bahagi ng screen.

2. Bubuksan nito ang Therap Login Page. Ilagay ang Login Name at Provider Code ng ahensya, at i-click ang Continue button. Mahalagang tandaan na ang Provider Code ay dapat nasa all caps at may kasamang dash bago ang iyong country code.

Paalala: Ang impormasyon sa pag-log in ay ibibigay sa iyo ng iyong Administrator. Kung hindi makapag-log in pagkatapos ng ilang pagsubok, makipag-ugnayan sa iyong superbisor o sa Administrator ng ahensya.

3. Sa susunod na pahina, ipasok ang iyong Password. Sa sandaling naipasok mo nang naaangkop ang iyong impormasyon sa pag-login, i-click ang pindutan ng Login upang mag-log in sa Therap system.

Paalala: Ang mga bagong gagamit ng Therap ay pinapayuhang palitan agad ang pansamantalang password naibinigay ng administrator. Sa Change Password page, ilagay ang ginamit na password sa pag log-in, pagkatapos ay ilagay ang nais na bagong password. Kapag tapos na, i-click ang Change password upang mapalitan at magamit na ang bagong password. 

4.  Pagka-login at nakapasok na sa system, makikita ang Dashboard page.

5. Kung hindi ka makapasok, ikaw ay dadalhin sa screen na ito.

6. I-click muli ang Login button sa kanang bahagi sa itaas at ikaw ay babalik sa login page upang subukan muling pumasok.

Paalala: Makikita din sa screen ang menu button. Maaari itong i-click upang makapunta sa Login button.

I-Click ang Login at ikaw ay dadalhin sa login page upang subukan muli.

Paalala: Kung patuloy na nahihirapan mag login, humingi ng tulong mula sa inyong supervisor o sa Administrador ng ahensya.

 Share on WhatsApp